[Music] Nikki Bacolod to collaborate with a Malaysian singer; new songs will be distributed in Asian countries …

Nikki Bacolod to collaborate with a Malaysian singer; new songs will be distributed in Asian countries

Ikinagalak ng Viva contract artist na si Nikki Bacolod ang pagkapili sa kanya ng Malaysian recording executive na si Julfekar Ahmad Shah upang makabilang sa piling mga singers na nais bigyan ng break sa nasabing record executive sa Malaysia.

Si Nikki ay runner-up ng Search for a Star in A Million talent search noong 2005 at nakagawa na siya ng album under Viva Records kung saan pumirma siya ng kontrata matapos siyang magwagi. Bagamat mas kilala siya bilang singer, pinasok din ni Nikki ang acting, na isa rin sa kanyang passion kaya tila nalimutan niya ang pagkanta. Pero masaya siya sa oportunidad na dumating sa ngayon na makapag-recording sa Malaysia.

Kasama ni Nikki na nabigyan ng break na mag-record para sa Dream Millennium Art Label sina Bryan Termulo, newbie teen singers Hai Zel and Grendel Ramos, and the Pinoy rock band Frio. Nakatakda silang magrecording ng mga awitin sa Bahasa Malaysia at Pinoy na idi-distribute sa iba't-ibang bansa sa Asia. Ipinakilala sila sa isang pre-listening presscon noong Martes sa Patio Carlito Restaurant sa may Quezon City.

"Masaya naman po ako kung paano ako inalagaan ng Viva. Natutuwa po ako kais binigyan din nila ako ng break sa acting," sabi pa ni Nikki. "Hindi naman po nakaramdam na pinabayaan ako ng Viva dahil sunud-sunod din naman ang projects ko sa kanila."

Nakasama si Nikki sa mga drama shows tulad ng Diyosa, Rosalka, Imortal, at Pangarap na Bituin. Nakalabas din siya sa Maalaala Mo Kaya.

Read the original here:
[Music] Nikki Bacolod to collaborate with a Malaysian singer; new songs will be distributed in Asian countries ...

Related Posts

Comments are closed.